Solanum melongena: Anong meron sa Talong?


nina Micah Banatao, Josh Garcia, Thery Lorenzo, Chiqee Posadas, and Lyka Tesea


Ano ang talong o eggplant?

Ang talong ay isa sa mga gulay na labis na nililinang sa mga bansang tropikal at sub-tropikal.[3] Ito ay tinaguriang “Hari ng mga Gulay” sa India kung saan ito nanggaling at madalas na ginagamit sa mga katutubong lutuin.[4]

Ano-ano ang mga benepisyong pang-kalusugan at pang-nutrisyon ng talong?

Ito ay naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng phenolic acids na may potensyal sa pagpigil ng pinsalang dala ng free-radical oxidation reactions, maski ang pagpapalakas ng kapasidad sa paglaban sa pamamaga ng katawan ng tao.[5,6]

Bukod pa rito, ang talong din ay mayroong mga mineral kagaya ng copper, zinc, at iron na nagpapataas ng posibilidad ng paggamit ng ganitong gulay para sa paggamot ng anemia, atherosclerosis, at fatty degeneration.[3] Ang mga plant polyphenols din sa talong ay nakakatulong sa pagprotekta ng cell membranes and pagbuti ng memorya.[3]

Higit pa rito, marami itong panterapeutikang benepisyo, mga aktibidad sa paglaban sa kanser, at benepisyo sa sistemang panunaw.[5,6] Mayroon ding potensyal ang talong sa pagpapagaling ng mga paso, kulugo, kabag, at arthritis.[6] Ang mga fiber din nito ay nakatutulong sa pantunaw sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga nakasasamang substances mula sa tiyan, na nagbabawas ng panganib ng pagkakaroon ng kanser sa tiyan.[6]

Gusto mo bang magpalago ng talong?

Bisitahin mo ang aming tindahan: https://shp.ee/k68zvea

Maligayang pagtatanim, kaibigan!

Alam mo bang ang mga talong ay tinuturing na prutas? OO, tama ang binasa mo!

Ang mga talong ay inuuri sa ilalim ng nightshade family na Solanaceae, kaya naman orihinal na inakala itong nakalalason na prutas. Kahit na tinuturing itong mga gulay sa pagluluto, ang mga talong ay uri ng prutas. Para sa mga dalubhalaman, ang talong ay isang berry dahil sa loob nito ay mayroong maraming maliliit, malalambot, at nakakain na mga buto.[8] 

Ang isa pang kawili-wiling impormasyon ay ang talong na kilala rin sa tawag na “aubergine,” ay nakuha ang pangalang ito sa mas maaagang bersyon ng mga taga-Europang magsasaka sa 1700s dahil sa dilaw o puti nitong kulay at sa pagkakahawig nito sa itlog ng gansa o manok.[8]

Subukang isama ang mga talong sa pang-araw-araw niyong pagkain! Maraming pagkaing Pilipino ang gumagamit ng masustansyang sangkap na ito, gaya ng tortang talong, ensaladang talong, pinakbet, at rellenong talong. 

Paano magpalago ng mga talong?

Ang mga talong ay tumutubo sa mga lugar na may 6-8 oras ng pagkakalantad sa direktang liwanag ng araw, at may tamang pagkakatuyong lupa na kayang sumipsip ng kaunting tubig. Ang palagiang pagkakalantad sa buong liwanag ng araw, na may hindi bababa sa limang buwan ng mainit na panahon (kanais-nais ang nasa pagitan ng 25˚C-40˚C), ay kailangan para sa produksyon ng prutas. 

Ang regular din na pagdilig ay dapat na gawin sa isang malaking pag-agos na makakapagpababad sa halaman, imbes na palagian ngunit maliliit na dami ng tubig na maaaring magdulot ng mababaw na ugat.

Bukod pa rito, ang pagputol ng tangkay upang mabuo ang leaf canopies ay dapat ding gawin para mailigtas ang mga prutas mula sa init ng araw.  Ang paminsan-minsang pagputol na ito ay dapat ipagpatuloy habang sila ay lumalaki. Kung sakaling magkaroon ng pagbaba sa produksyon ng prutas, maaaring gupitin ang mga bagong dahon at bulaklak upang pantay ang pagbahagi ng mga sustansya. 

Ang mga talong ay mas kanais-nais na inaani kapag nagsimula na silang maghinog; pinakamasarap ang lasa nila habang medyo mura pa. Sa pagsusuri, ang ibabaw ng prutas ay dapat na “tumalbog” kapag mariing pinisil. 

Mga Sanggunian:

[1] Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute. (2019). The Philippine Food Composition Tables 2019. DOST-FNRI.

[2] SvetlanaK. (2019). Fresh eggplants isolated on white background with clipping path [Online image]. iStock. https://www.istockphoto.com/photo/fresh-eggplants-isolated-on-white-background-with-clipping-path-gm1139455611-304563754

[3] Sharma, M., & Kaushik, P. (2021). Biochemical composition of Eggplant Fruits: A Review. Applied Sciences, 11(15), 7078. https://doi.org/10.3390/app11157078

[4] Baragona, S. (2010, February 5). India Debates Genetically-Modified Eggplant. VOA. Retrieved November 12, 2021, from https://www.voanews.com/a/india-debates-genetically-modified-eggplant-83634952/168553.html.

[5] Kumar, N., & Goel, N. (2019). Phenolic acids: Natural versatile molecules with promising therapeutic applications. Biotechnology reports (Amsterdam, Netherlands), 24, e00370. https://doi.org/10.1016/j.btre.2019.e00370

[6] Naeem, M. Y. & Ugur, S. (2019). Nutritional Content and Health Benefits of Eggplant. Turkish Journal of Agriculture – Food Science and Technology, 7(3), 31-36. https://doi.org/10.24925/turjaf/v7isp3.31-36-3146

[7] How eggplant got its name. FineGardening. (2016, August 8). Retrieved November 12, 2021, from https://www.finegardening.com/article/how-eggplant-got-its-name.

[8] Why is it called an eggplant? Wonderopolis. (n.d.). Retrieved November 12, 2021, from https://wonderopolis.org/wonder/why-is-it-called-an-eggplant

Ang mga laman ng artikulo na ito ay para lamang sa edukasyunal na layunin at hindi naglalayong maging kapalit ng propesyunal o personal at medikal na payo, pagsisiyasat, o paggamot. Humingi ng payo sa iyong doktor o sa ibang kwalipikadong propesyunal kung may tanong tungkol sa isang karamdaman. Huwag kailanman pabayaan ang propesyunal na payong medikal o patagalin ang pagtamo nito dahil sa anumang nabasa mo rito sa page o website.


Leave a Comment

Your email address will not be published.